Dahil Lyrics – Paul Armesin
Dahil lyrics by Paul Armesin, written by Paul Armesin.
Song Title: Dahil
Artist(s): Paul Armesin
Verse I:
Dahil sa ‘di maubos mong biyaya
Dahil sa pag-ibig Mong ‘di magsawa
Sa ‘kin ay unang nagmahal
Dahil lubos kapag Ika’y nagpala
Dahil mabuti at tapat sa t’wina
Awit ko ay pasasalamat
Pre-Chorus:
Dahil ito ang himig ng aking puso
Dahil ikaw ang dahilan ng buhay ko
Chorus:
Dahil mas may katiyakan pa sa kinabukasan
Ang Iyong katapatan
Papupurihan Ka
At kahit maglaho ang lupa at langit
Noon, ngayon, bukas, kailanman
Hindi mauubos ang dahilan upang ikaw ay pag-alayan
Ng papuri kailanman
Verse II:
Dahil Ika’y sadyang walang katulad
Dahil ikaw lamang O Diyos ang tunay
Laging pag-asa at sandigan
Dahil Ikaw ang siyang katotohanan
Ang Iyong kahabaga’y makatarungan
At labis akong namamangha
Pre-Chorus:
Dahil ito ang himig ng aking puso
Dahil ikaw ang dahilan ng buhay ko
Chorus:
Dahil mas may katiyakan pa sa kinabukasan
Ang Iyong katapatan
Papupurihan Ka
At kahit maglaho ang lupa at langit
Noon, ngayon, bukas, kailanman
Hindi mauubos ang dahilan upang ikaw ay pag-alayan
Ng papuri
Bridge:
Manlilikhang pinagmulan ng aking buhay at kalakasan
Manunubos tanging ikaw ang aking tunay na kaligtasan
HIndi mauubos ang dahilan
Ika’y karapat-dapat kailanman
Chorus:
At dahil mas may katiyakan pa sa kinabukasan
Ang Iyong katapatan
Papupurihan Ka
At kahit maglaho ang lupa at langit
Noon, ngayon, bukas, kailanman
Hindi mauubos ang dahilan upang ikaw ay pag-alayan
Ng papuri kailanman
Check out our lists of Tagalog worship songs HERE.
I hope that we were able to help you out with the lyrics of “Dahil” by Paul Armesin. Feel free to leave your thoughts and comments below including requests for chords and lyrics of a specific Tagalog Christian song. We will surely include it in our list of upcoming posts.
Keep on playing and keep on singing for Jesus and His Glory!
God bless and grace be with you, mga kaps!
