fbpx

Emmanuel Lyrics – Ariel Bermido / Home of Praise PH

Narito na ang pangalawang entry for FILCCOM and UCAP’s Pamaskong Awit 2021! “Emmanuel (Kasama Natin Ang Diyos),” a Tagalog Christmas song written by Ariel Bermido and interpreted by Jordan Mascareñas, Gideon Balag-ey Biang & Daisy Concepcion from Home of Praise PH.

Song Title: Emmanuel
Artist(s): 
Ariel Bermido / Home of Praise PH
Album: Pamaskong Awit 2021

Sa kabi-kabilang suliranin
Ang ating mundo’y padilim ng padilim
‘Di mo na alam kung saan babaling
Ano na nga kaya ang gagawin?

Doon sa abang sabsaban
May isang sanggol na isinilang
Libo-libong anghel ang nag-awitan
Pag-ibig ng Ama sa lahat ay nilaan

Chorus:
Emmanuel kasama natin ang Diyos
Emmanuel sa sala tayo’y tinubos
Pasko’y sasapit huwag mo sanang lilimutin
Kasama natin ang Diyos, Emmanuel

At kahit ano pa ang mangyari
Ang pasko ay tuloy pa rin
Walang anuman ang makapipigil
Si Hesus ang naghahari

Chorus:
Emmanuel kasama natin ang Diyos
Emmanuel sa sala tayo’y tinubos
Pasko’y sasapit huwag mo sanang lilimutin
Kasama natin ang Diyos, Emmanuel

Sa gitna ng takot may pagasa
Sa kabila ng lungkot may ligaya
Dahil sa biyaya kami’y umaasa,
Emmanuel oohh…

Chorus:
Emmanuel kasama natin ang Diyos
Emmanuel sa sala tayo’y tinubos
Pasko’y sasapit huwag mo sanang lilimutin
Kasama natin ang Diyos, Emmanuel

Feel free to leave your thoughts and comments below including requests for chords and lyrics of a specific Tagalog Christian song. We will surely include it in our list of upcoming posts. Keep on playing and keep on singing for Jesus and His Glory!

God bless and grace be with you, kaps!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

%d bloggers like this: