fbpx
BlogHimig Kaps

Himig Kaps: Liban Sa’Yo Reflection

liban sayo lyrics and reflection
Awit 16:2, “Oh kaluluwa ko, iyong sinabi sa Panginoon, Ikaw ay aking Panginoon: Ako’y walang kabutihan liban sa iyo.”

This is my personal reflection sa song and this will be the first for our Himig Kaps series sa ating blog wherein I’m going to write my thoughts and reflections about random Tagalog Christian songs.

I listened to it and I thought about myself and about us. We deserve wrath, we are not worthy of anything good mula sa Diyos because of sin, and we are helpless sa harapan Niya.

Pero magpasalamat tayo, because God’s grace and His love were showered upon us. Biyaya, awa, habag, at pag-ibig, na hindi natapos more than 2000 years ago when Jesus died on the cross

Dahil hanggang ngayon, Ikaw at ako, we are sustained ng grace at ng pagibig Niya

Hindi tayo karapat-dapat na iligtas…
Hindi tayo karapat-dapat na mahalin…
Hindi tayo karapat-dapat na kaawaan…
At lalong hindi na tayo karapat-dapat na bigyang pansin pa

Pero ginawa Niya, minahal, kinaawaan, at Siya lahat ang gumawa para maligtas ka

May we be humbled by this truth, at kung may dapat man na baguhin sa buhay at paglilingkod natin ay baguhin na

Mas mahal ba natin ang mundo kaysa sa Kaniya?

Priority ba natin ang fame and fortune at hindi Siya?

TIngnan natin ang mga buhay natin ngayon, undeniably, the no. 1 spot sa buhay natin ay dapat para sa Kaniya.

Phil. 3:8b, “…Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan at itinuring kong basura, makamtan ko lamang si Cristo.”

Wala ng hihigit pa kay Jesus!

Here are the lyrics for this wonderful song.

Liban Sa’Yo
Words & Music by Paul Armesin
Performed by Dina Armesin

Una kang nagmahal
At hindi maintindihan
Kung paanong ang Diyos na banal
Ay umibig sa isang tulad ko

Sino ako upang pag-ukulan
Ng Iyong pagsinta
Tanging tangan ay pangangailangan
Ikaw ang tanging pag-asa

Liban sa‘Yo sa buhay ko ay walang katangi-tangi
Liban sa‘Yo sa buhay ko ay wala, walang mabuti
Kung ‘di ang kamangha-manghang awa
Sa‘king ‘di nararapat sa‘Yong biyaya
Liban sa‘Yo sa buhay ko ay wala
Wala na ngang hihigit pa
Sa‘Yo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *